CONSUMER PROTECTION AGENCIES
Ang sumusunod ay mga ahensiya ng pamahalaan na tumutulong upang maisulong ang kapakanan ng mga mamimili: Bureau of Food and Drugs (BFAD) - hinggil sa hinaluan/pinagbabawal/maling etiketa ng gamot, pagkain, pabango, at make-up. City/Provincial/MunicipalTreasurer - hinggil sa timbang at sukat, madayang (tampered) timbangan at mapanlinlang na pagsukat. Department of Trade and Industry (DTI) - hinggil sa paglabag sa batas ng kalakalan at industriya-maling etiketa ng mga produkto, madaya at mapanlinlang na gawain ng mga mangangalakal. Energy Regulatory Commission (ERC) - reklamo laban sa pagbebenta ng diwastong sukat o timbang ng mga gasolinahan at mga mangangalakal ng “Liquified Petroleum Gas.” Environmental Management Bureau (DENR-EMB) - namamahala sa pangangalaga sa kapaligiran (polusyon-halimbawa ay pagsalaula sa hangin at tubig).