Posts

CONSUMER PROTECTION AGENCIES

Ang sumusunod ay mga ahensiya ng pamahalaan na tumutulong upang maisulong ang kapakanan ng mga mamimili: Bureau of Food and Drugs (BFAD) - hinggil sa hinaluan/pinagbabawal/maling etiketa ng gamot, pagkain, pabango, at make-up. City/Provincial/MunicipalTreasurer - hinggil sa timbang at sukat, madayang (tampered) timbangan at mapanlinlang na pagsukat. Department of Trade and Industry (DTI) - hinggil sa paglabag sa batas ng kalakalan at industriya-maling etiketa ng mga produkto, madaya at mapanlinlang na gawain ng mga mangangalakal. Energy Regulatory Commission (ERC) - reklamo laban sa pagbebenta ng diwastong sukat o timbang ng mga gasolinahan at mga mangangalakal ng “Liquified Petroleum Gas.” Environmental Management Bureau (DENR-EMB) - namamahala sa pangangalaga sa kapaligiran (polusyon-halimbawa ay pagsalaula sa hangin at tubig).

Matalinong Mamimili

Image
 Mapanuri Sinusuri ang produktong bibilhin. Tinitingnan ang sangkap, presyo, timbang, pagkakagawa, at iba pa. Kung may pagkakataon pa, inihahambing ang mga produkto sa isa’t isa upang makapagdesisyon nang mas mabuti at mapili ang produktong sulit sa ibabayad. Sumusunod sa Badyet Ito ay kaugnay ng pagiging makatwiran ng matalinong konsyumer.  Tinitimbang niya ang mga bagay-bagay ayon sa kaniyang badyet. Hindi siya nagpapadala sa popularidad ng produkto na may mataas na presyo upang matiyak na magiging sapat ang kaniyang salapi sa kaniyang mga pangangailangan.